Higit sa 200 estabilisimiyento ang unang nakatikim ng parusa na ipinataw ng Quezon City Treasurer’s Office matapos na mahuli na lumalabag sa pag-iisyu ng resibo sa kanilang mga negosyo na mahigpit na ipinagbabawal sa lungsod.
Sinabi ni Victor Endriga, head ng Quezon City Treasurer’s Office na umaabot sa 231 establisimiyento ang kanilang pinarusahan ng paglabag sa City Ordinance No. 1663. Pangunahing layunin ng ordinansa ang mahuli ang mga negosyante na tumatakas sa pagbabayad ng wastong buwis sa pamamagitan ng hindi pagbibigay ng resibo sanhi upang malugi ang pamahalaan ng bilyun-bilyong pondo.
Ayon pa kay Endriga, sa pamamagitan ng paghahabol sa mga buwis ng mga tiwaling negosyante, makakatulong ang QC government sa pagpapataas ng pondo ng bansa. (Angie dela Cruz)