Loren, zero ang lovelife
Sa isang press conference, sinabi ng 47-anyos na sena dora na dahil “zero” ang kanyang lovelife, kahit alas-12 ng gabi ay natatawagan siya at nakaka-text niya ang sinuman na nais humingi ng tulong kahit madaling araw na.
Wala rin
Pero kung tutuusin aniya ay mas maganda ang lovelife niya ngayon kung ikukumpara sa mga nakalipas niyang pag-ibig dahil nasa 18.3 milyong Pinoy ang bumoto at nagmamahal sa kanya.
Sinabi pa nito na ang kanyang ‘unsolicited advice’ ay hindi dapat pagsamahin ang career at pag-ibig.
Sinigurado rin nito na sa susunod na anim na taon na pagiging senadora ay magiging focus pa rin siya sa trabaho sa Senado dahil walang “lovelife” na iistorbo sa kanya. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending