^

Bansa

Bureau of Fire posibleng magbenta na rin ng tubig

-

At dahil sa kinatata­kutang matinding tagtuyot, posibleng magbenta na rin ng tubig ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa oras na magkaroon ng matin­ding kakapusan sa suplay ng tubig sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ngunit iginiit ni C/Insp. Renato Marcial, spokesman ng BFP, na upang makapagbenta ang isang fire marshall ay kailangan na makakuha muna ng “letter of order” buhat sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ipinaliwanag ni Marcial na ipinagbabawal ang paglalako ng tubig ng mga bumbero na gamit sa pag­puksa ng apoy ngunit po­sib­leng maisagawa ito sa oras ng matinding panga­ngailangan tulad ng tag­tuyot.

Inihahanda na rin ng BFP ang kanilang contingency measures na ipina­tupad nila noong panahon ng El Niño.

Sa oras ng kakulangan sa tubig, sinabi nito na kasama sa kanilang plano ang paghahanap ng ibang lugar na pagkukunan tulad ng mga bukal, balon at maging pagkuha ng tubig sa dagat upang gamitin sa pag-apula sa mga sunog.

Nagbabala rin si Mar­cial sa mga residente ng Metro Manila na kan­ilang aarestuhin at kaka­suhan sa oras na mahuli na res­pon­sable sa pagbu­bukas ng kanilang mga fire hydrants sa tabing kalsada upang makalibre sa tubig.

Magsasagawa rin ang BFP ng dayalogo at in­ formation drive sa pub­liko upang mapakiusa­pan na magtipid sa tubig at pag-iingat sa posibleng pag­siklab ng sunog dahil sa matinding init na na­ra­ranasan ngayon ng mundo dulot ng global warming.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

EL NI

METRO MANILA

RENATO MARCIAL

SHY

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with