LTO di muna kokolekta ng Interconnectivity Fees

Pansamantalang hindi kokolekta ang Land Transportation Office ng interconnectivity fees para sa issuance ng Certificates of Cover sa pagbili ng Comprehensive Third Party Liability (CTPL) policy’s sa susu­nod na dalawang linggo epektibo Hulyo 25, 2007.

Ayon kay LTO Chief Reynaldo Berroya, layu­nin nito na bigyan ng kaukulang panahon ang ahensiya at ang mga motorista para malaman ang  bagong interim solution.

Sinabi ni Berroya na ang service providers ng interim system ay magsi­simulang maningil ng interconnectivity fees epektibo Agosto 8, 2007.  Kaugnay nito, humingi ng paumanhin si Berroya sa publiko na maging ma­hinahon at pagpasen­siyahan ang anumang inconveniences na mara­ranasan sa pagsisimula ng implementasyon ng naturang programa. (Angie dela Cruz)

Show comments