Lacson, Pimentel boykot sa SONA

Balak boykotin ng ilang senador sa pangu­ nguna nina Sen. Panfilo Lacson at Senate Minority Leader Aquilino Pimen­tel Jr., ang State of the Nation Address ni Pangu­long Arroyo sa Lunes, Hulyo 23.

Sinabi ng dalawang senador na miyembro ng oposisyon na bobolahin lamang ng Pangulo ang ma­kikinig sa kanyang SONA at siguradong wa­ lang maaasahang bago sa mga sasabihin nito.

Lumang tugtugin na umano at paulit-ulit na lamang na mag-uulat si Mrs. Arroyo na may gi­nawa itong maganda sa kanyang panunungkulan sa loob ng isang taon.

Idinagdag pa nina Lacson at Pimentel na mangangako na naman ng mga hindi kapani-paniwala at imposible ang Pangulo katulad ng mga nauna niyang SONA.

Idinagdag ni  Lacson, hindi “big deal” sa kanya ang SONA at isang ordinar­yong pangyayari lang umano ito sa Lunes.

Ayon pa kay Lacson, isang beses lang siya du­ malo sa SONA ng Pangulo noong 2001 at ito’y upang malaman kung papaano mag-speech ang Pangulo ng kanyang SONA. (Malou Escudero)

Show comments