^

Bansa

PNP umamin: Anti-terror mahirap ipatupad

-

Inamin kahapon ni PNP Chief Director Gen. Oscar Calderon na maraming bulilyaso o butas ang Human Security Act of 2007 o ang kontrobersyal na anti-terror law kaya mahirap itong ipatupad.

Kabilang na umano dito ang pagbabayad ng P500,000 danyos kada araw na ipinababalikat sa mga law enforcement agency laban sa isang inarestong indibidwal na mapapatunayang hindi pala terorista.

Ayon kay Calderon, dapat ay ang Anti-Terrorism Council ang sumagot sa nasabing penalty at hindi ang law enforcement agency tulad ng PNP dahil baka maubusan sila ng pondo sa minsang pagka­kamali.

Nangangamba rin si Police Regional Office (PRO)  3 Director Chief Supt. Ismael Rafanan na baka tumaas ang insidente ng extra judicial killing sa bansa dahilan umano sa posib­leng kapalpakan sa anti-terror law.

Aniya, maging ang mga awtoridad ay kinakaila­ngang makatiyak muna sa kanilang mga impormas­yon upang hindi magka­roon ng mga paglabag sa karapa­ tang pantao sa pagpapa­tupad ng nasa­bing kontro­bersyal na batas.

Kaugnay nito, tiniyak ni Calderon na hindi magka­karoon ng shortcut o pag­mamadali sa implemen­tasyon ng anti-terror law at igagalang ng pulisya ang karapatang pantao ng bawat indibidwal na kani­lang aarestuhin. (Joy Cantos)

ANTI-TERRORISM COUNCIL

CHIEF DIRECTOR GEN

DIRECTOR CHIEF SUPT

HUMAN SECURITY ACT

ISMAEL RAFANAN

JOY CANTOS

OSCAR CALDERON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with