CTPL patok sa motorista

Pinabulaanan kaha­pon ni Government Service Insurance System Vice President Josefina Valera na isang milyong patra­baho ang mawa­wala sa sektor ng pri­badong se­guro sa ba­gong patakaran ng Department of Transportation and Communication sa pagpapalabas ng Compulsory Third Party Liability policies para sa mga motoristang nag­papare­histro ng mga sasakyan. Sinabi ni Valera na hindi kapani­paniwala ang na­turang akusasyon ng Buk­ luran ng Mangga­gawa sa Industria ng Seguro at Alliance of Non-Life Insurance Workers of the Philippines.  Nilinaw niya na ang CTPL insurance premiums na nakoko­lekta ay kuma­katawan lang sa 5.2 porsyento ng kabuoang non-life industry premiums na puma­pasok sa indus­triya.  Bukod dito, ipa-farm out rin sa mga lehitimong private insurer ang 80 porsyento ng CTPL business at ang mawawala lang sa eksena ay iyong mga fly-by-night insurance companies na nag-iisyu ng mga pekeng CTPL policies.

Show comments