Ex-Comelec exec ibinalik

Inutos kahapon ni Commission on Elections Chairman Benjamin Aba­los na ibalik sa puwesto ang kontro­bersyal na election director ng Comelec na si Ferdinand Rafanan.   Si Rafanan ay unang tinanggal noong December 2006 bilang director ng Comelec sa National Capital Region dahil sa umano’y “insubordination” at pagpapa­hinto sa beri­pikasyon sa mga lagda na kinakalap ng ilang grupo  para isu­long ang charter change. (Grace Amargo-dela Cruz)

Show comments