Tiniyak kahapon ni Pangulong Gloria Arroyo sa mga naulila ng mga nasawing sundalo ng Philippine Marines na pinaslang ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front sa Tipo-tipo, Basilan noong na karaang ling go na makukuha nila ang mga kaukulang benepisyo.
Dinalaw ng Pangulo ang burol ng 14 na nasawing Marines kung saan ay 10 sa mga ito ang pinugutan ng ulo at tinapyasan ng tenga matapos silang tambangan ng mga rebelde.
Inatasan din ni PGMA si Armed Forces Chief Gen. Hermogenes Esperon na tugisin ang mga responsable sa brutal na pagpaslang sa mga sundalo na galing sa paghahanap sa dinukot na Italyanong paring si Fr. Giancarlo Bossi. (Rudy Andal)