9 Pinoy seaman nawawala

Kasabay ng pag­sadsad ng M/V Blue Water Princess sa Quezon at pagtirik ng M/V Super Shuttle 10 sa Surigao nitong Hu­webes,  lumubog din ang isang barkong Orchid Sun sa Oman, ayon sa isang ulat ng ABS-CBN.

Sakay ng Orchid Sun ang may 23 tri­pulante kung saan 13 sa mga ito ay mga Pilipino.

Siyam na Pilipino seaman pa ang pinag­hahanap sa karagatan ng Oman habang iniu­ulat ito.

Papunta na sanang Iran mula China ang barko nang hampasin ito ng malalakas na alon.

Hindi pa tiyak kung ano ang naging sanhi ng pagkabutas ng bar­ko na dahan-dahan ang naging paglubog.

Patuloy namang na­kikipag-ugnayan ang Philippine Consulate sa pamahalaan ng Oman at Koreanong may-ari ng barko sa pagligtas sa siyam pang Pilipino.

Show comments