Pumalag ang mga non-governmental organizations sa pangunguna ng Buklu ran ng Manggagawa sa Industriya ng Seguro (BMIS) Inc., at ng United Alliance Non-Life Workers of the Philippines sa kautusan ng Department of Transportation and Communications na eksklusibong ipamahala na lamang sa Government Service Insurance System ang pag-iisyu ng compulsory third party liability (CTPL) insurance sa lahat ng behikulo sa bansa.
Bunsod nito, nanawagan ang naturang grupo kay Pangulong Arroyo na huwag nang ipatupad ang naturang hakbang dahil kapag nangyari itio, maraming mamamayan ang maghihirap at mawawalan ng hanapbuhay.
Nagpalabas ang DOTC ng isang kautusan na nagsasabing ang GSIS na lamang ang mag-iisyu ng CTPL insurance sa mga sasakyan. Ang kautusang ito ay epektibo sa Hulyo 24.
Nangangamba ang mga nabanggit na ang naturang hakbang ay magbubunsod lamang ng pagsasara ng maraming bilang ng mga insurance companies. (Angie dela Cruz)