^

Bansa

Insurance policy ng DOTC pinalagan

-

Pumalag ang mga non-governmental organizations sa pangunguna ng  Buklu­ ran ng Manggagawa sa Industriya ng Seguro (BMIS) Inc., at ng United Alliance Non-Life Workers of the Philippines sa kautusan ng Department of Transportation and Communications na eksklusi­bong ipamahala na lamang sa Government Service Insurance System ang pag-iisyu ng compulsory third party liability (CTPL) insurance sa lahat ng behikulo sa bansa.

Bunsod nito, nanawa­gan ang naturang grupo kay Pangulong Arroyo na huwag nang ipatupad ang naturang hakbang dahil kapag nangyari itio, ma­raming mamamayan ang maghihirap at mawa­walan ng hanapbuhay.

Nagpalabas ang DOTC ng isang kautusan na nagsasabing ang GSIS na lamang ang mag-iisyu ng CTPL insurance sa mga sasakyan. Ang ka­utusang ito ay epektibo sa Hulyo 24.

Nangangamba ang mga nabanggit na ang na­turang hakbang ay mag­bubunsod lamang ng pag­sasara ng maraming bilang ng mga insurance companies. (Angie dela Cruz)

ANGIE

BUKLU

BUNSOD

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

PANGULONG ARROYO

SHY

UNITED ALLIANCE NON-LIFE WORKERS OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with