Labi ng 14 Marines dumating
Dumating na kahapon sa Villamor Airbase ang labi ng 14 sundalo ng Phil. Marines na pinatay ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa isang engkuwentro sa Tipo-tipo, Basilan.
Mismong si Pangulong Arroyo ang nanguna sa heroes welcome at pagsalubong sa 14 kabaong na lulan ng C-130 plane.
Kasama ng Pangulo na sumalubong si AFP Chief of Staff Gen. Hermogenes Es peron at mga matataas na opisyal ng Marines, Army, Navy at Air Force at mga pamilya ng mga nasawi.
Pinagkalooban ng full military honor ang mga bayaning sundalo at siniguro naman ng gobyerno na ibibigay ang lahat ng benepisyo at tulong sa naulila ng mga biktima.
Nauna rito, ipinag-utos ng Pangulo ang pagtugis sa mga bandidong responsable sa pagpatay at pagpugot sa mga Marines.
Sinabi ng Pangulo na hindi maaaring protektahan ng isinusulong na peace talks ang “barbaric acts” na ginawa ng mga rebelde.
Ilalagak ang mga labi sa himpilan ng Phil. Marines sa
- Latest
- Trending