Justice Puno speaker sa MAAP graduation

Pangunahing taga­pagsalita si Supreme Court Chief Justice  Reynato Puno sa 5th commencement exercise ng  2007 graduates ng Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP) bukas, Hulyo 14.  

Nagsimula na ka­hapon ang mga serye ng pagdiriwang para sa mga magsisipagtapos. Ang Class 2007 ay bi­nubuo ng 112 graduates (110 lalaki, 2 babae) na ga­gawaran ng Bachelor of Science degree on Ma­ritime Transportation at Marine Engineering. Ang Academy ay itinatag noong 1998 at pinanga­ngasiwaan ng board chair­ man na si Capt. Gregorio Oca at Academy president VAdm. Eduardo Ma. Santos AFP (ret).

Para sa dagdag na impormasyon, tumawag sa mga contact number ng MAAP:  Manila (02) 5272110; (047) 2373355;  Bataan, 7411024. 

Show comments