IC chief, pinagbabakasyon muna

Umapela ang ilang eko­nomista kay Pangulong Arroyo na pagbakasyunin muna sa puwesto si Insurance Commissioner Evan­geline Escobillo dahil sa umano’y kuwestiyuna­bleng kredibilidad nito matapos masangkot sa ilang kaso.

Sinabi ni Astro del Castillo, managing director ng First Grade Holdings Inc., dapat munang sagutin ni Escobillo ang mga kina­kaharap nitong kaso sa Office of the Ombudsman bago ituloy ang pagliling­kod sa komisyon.

Nabatid na may naka­sampang tatlong kaso ng graft laban kay Escobillo sa Ombudsman kabilang ang P10.6M computerization scam.

“Commissioner Esco­billo should once and for all clear the smoke of doubts on her credibility. Insurance is a multi-billion business and the IC head must be of unquestioned personality.  She should answer satisfactorily all accusations being hurled against her, which undermine her credibility,” hamon ni del Castillo sa isang panayam. (Angie dela Cruz)

Show comments