Dayuhang nagtitingi ipapatapon ng BI

Ipapatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration ang sinumang dayuhan na mapapa­tunayang ilegal na nagnenegosyo sa bansa. Ipinalabas ng BI ang babala dahil sa pagsulpot ng mga Korean stores na gumagamit ng mga Pinoy na dummies.

Iniutos ni BI chief Marcelino Libanan sa kanyang intelligence unit na magsagawa ng surveillance at imbestigasyon hinggil sa ilegal na pagnenegosyo ng mga Korean nationals at iba pang dayuhan sa bansa. (Rudy Andal)

Show comments