Jimenez ipinapipiit

Hangad ngayon ng kampo ni Caroline Carol Castaneda-Jime­nez, da­ting asawa ni dating Manila congressman at ng kontro­bersiyal na negos­yanteng si Mark Jime­nez, at sampu nitong anak na maibalik na sa selda ang dating mam­babatas upang hindi na ito muling maka­panakit at tumigil na ito sa pang-aatake sa kanila.

Ayon kay Virgilio Cres­po, anak ni Ji­menez sa una nitong asawang si Aleli, nitong mga naka­raang araw lamang ay nagawa umano siyang ipabaril ng kanyang ama sa mga security guards nito bagaman naka­takas siya. (Rose Tesoro)

Show comments