^

Bansa

5 ISAFP men isinabit sa Burgos kidnapping

- Ni Rudy Andal -

Tinukoy kahapon ng Presidential Task Force Against Media Harassment na mga miyem­bro ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines ang nasa lista­han ng mga pinaghi­hinalaang nasa likod ng pagdukot at pag­kawala ng aktibistang si Jonas Joseph Bur­gos.

Inatasan ng task force na pinamumu­nuan ni Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco si National Bureau of Investigation Director Nestor Manta­ring na imbestigahan at ipatawag sina  T/Sgt. Jason Roxas, PA; CPL. Maria Joana Francisco, PAF, at naka-talaga  sa MIG 15 of ISAFP; M/Sgt. Aron Arroyo, PAF, ng MIG 15 of ISAFP; 1st Lt. Jaime Mendaro, PA, ng 56th Infantry Batallion; at Lt. Col. Noel Clement ng 56th IB at nakatalaga sa Escort and Security Batallion (PA) sa Fort Bonifacio. Bagaman lima ang binabanggit, kasama sa iniimbesti­gahan ang isang Alyas T.L. ng MIG 15.

Sinabi ni Velasco na isang mapagkakati­walaang impormante ang nagbigay sa task force ng pangalan ng posibleng sangkot sa pagdukot kay Burgos na anak ng isang press freedom fighter na si Jose Jr.

Sinabi ng impor­mante kay Velasco na dinukot si Burgos dahil sa matagal na umano itong tinitiktikan ng militar simula noong Oktubre ng nakaraang taon dahil pinaghihi­nalaang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army.

Hiniling din ng task force sa NBI na im­bestigahan at ipatawag ang security guard na si Larry Marquez at Mrs. Elsa Agasang ng Hapag Kainan Restaurant bilang mga saksi at ilagay ito sa Witness Protection Program ng DOJ.

Si Burgos ay dinu­kot noong Abril 28 ng mga armadong lalaki sa Hapag Kainan Restaurant sa Ever Go­tesco mall sa Commonwealth Ave., Que­zon City.

ALYAS T

ARON ARROYO

BURGOS

CITY

COMMONWEALTH AVE

HAPAG KAINAN RESTAURANT

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with