Beltran nakapasok sa House

Pinahintulutan ka­hapon ng Makati Regional Trial Court si Anakpawis party list Representative Crispin Beltran na makalabas  ng Philippine Heart Center upang maka­dalo sa tatlong sunod na araw na sesyon ng House of Representatives ng 13th Congress sa Batasang Pam­bansa na nagsimula din kahapon. 

Pina­yagan siyang maka­labas ng pagamutan mula alas-3 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi mula kahapon hanggang sa araw ng Miyerkules kaya na­kadalo siya sa session ng House. (Rose Ta­mayo-Tesoro)

Show comments