Kumalat kahapon ang balitang pinalaya na ng mga rebelde sa Nigeria ang dalawang Pilipinong seaman na kinidnap nila sa loob ng apat na oras.
Naiulat na sa mga dayuhang media outlet ang pangyayari pero tumanggi pa ang Department of Foreign Affairs na kumpirmahin ito dahil inaalam pa ang detalye sa pagkakalaya ng mga bihag.
Naunang kinumpirma ni Nigeria River State Police Chief Felix Ogbaudu ang paglaya ng mga Pilipino na pawang nagtatrabaho umano sa M/V Seacor na nakadaong sa Port Harcourt nang maganap ang pagbihag sa mga ito. (Joy Cantos)