Aling Puring confab matagumpay na nailunsad

Naging matagumpay ang tatlong araw na “Tindahan ni Aling Puring” Sari-Sari Store Convention na inilunsad ng Puregold Price Club Inc. sa World Trade Center na pinakinabangan ng 16,000 OFWs at 126,000 sari-sari store owners. Nagbukas ng magagandang oportunidad para sa mga maliliit na negosyante ang convention dahil pinalawak nito ang kanilang kontak hindi lamang sa iba pang mga kapwa negosyante kundi pati na sa mga producers at suppliers ng mga itinitinda nilang mga produkto.

Sinabi ni Susan Co, Vice Chairman ng Puregold Corp., na alinsunod ito sa layunin ng kumpanya na bigyan ng benepisyo ang kanilang mamimili sa pamamagitan ng de kalidad na serbisyo’t produkto para sulit ang pagiging suki ng mga ito ng Puregold. Ayon naman kay Puregold Price Club Inc. President Leonardo Dayao, naging makabuluhan ang katatapos lamang na convention dahil kaakibat na nito ngayon ang programa para sa OFWs at kooperatiba.

Show comments