^

Bansa

Beltran, ‘Batasan 5’ lusot sa rebelyon

-

Pinababasura ng Kor­ te Suprema ang kasong rebelyon na isinampa ng gobyerno laban kay Anakpawis Partylist Rep. Crispin Beltran at sa mga miyembro ng tinaguriang Batasan 5.

Sa 23-pahinang desis­yon ng SC 2nd division sa pamamagitan ni Associate Justice Antonio Car­pio, iginiit ng SC na wa­lang probable cause para kasuhan ng rebelyon si Beltran at tinaguriang Ba­tasan 5 na sina Gabriela Rep. Liza Maza, Anakpa­wis Rep. Joel Virador, Bayan Muna Reps. Satur Ocampo, Teodoro Casino at Rafael Mariano.

Ayon sa SC, dapat may uprising at paggamit ng armas bago matawag na rebelyon, na wala sa kaso ni Beltran at sa Batasan 5.

Nabigo ring sundin ng inquest prosecutors ang nakasaad sa rules of proceedings kaugnay sa pagpapatupad ng warrantless arrest nang ares­tuhin si Beltran sa Marilao, Bulacan noong Pebrero 2006.

“The allegations in these affidavits are far from the proof needed to indict Beltran for taking part in an armed public up­rising against the govern­ment...none of the affidavits stated that Beltran committed specific acts of promoting, maintaining, or heading a rebellion as found in the resolution of the DoJ,” nakasaad pa sa desisyon ng SC.

Sinabi pa ng SC, sa mga isinumiteng affidavits ay sina Ruel Escala at Raul Cachuela lamang ang nagsasabing kabilang si Beltran sa nagbabalak patalsikin sa puwesto si Pangulong Arroyo noong anibersaryo ng EDSA 2.

“None of Beltran’s arresting officers saw Bel­tran commit, in their presence, the crime of rebellion. Nor did they have personal knowledge of facts and circumstances that Beltran had just committed rebellion, sufficient to form probable cause to believe that he had committed rebellion,” paliwa­nag pa ng High Tribunal sa desisyon nito.

Magugunita na nag-isyu ng Presidential Proclamation 1017 si PGMA noong Feb. 24, 2006 kung saan ay inilagay ang bansa sa state of national emergency kasunod ang pag-aresto kay Beltran na ikinulong sa Camp Cra­me. Kinasuhan si Beltran at 1st Lt. Lawrence San Juan at iba pa dahil sa planong pagpapatalsik sa gobyerno sa pamamagi­tan umano ng sabwatan ng Communist Party of the Philippines at Maka­bayang Kawal Pilipino.

Nagpalabas naman ang Department of Justice ng resolusyon kung saan ay sinabing mayroong probable cause para ka­su­han sina Beltran at San Juan ng rebelyon noong Feb.27, 2006 sa Makati Regional Trial Court. 

Sa desisyon ng SC, inu­tusan nito ang Makati RTC na palayain si Bel­tran kung wala nang ibang kaso na kinakaharap.  (Rudy Andal)

ANAKPAWIS PARTYLIST REP

ASSOCIATE JUSTICE ANTONIO CAR

BATASAN

BAYAN MUNA REPS

BELTRAN

CAMP CRA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with