Comelec di iiwan ni Sarmiento

Itinanggi ni Commission on Election (Comelec) Commissioner­ Rene Sarmiento na magbibitiw ito sa kanyang posisyon sa nabanggit na ahensiya.

Ayon kay Sarmiento, tanging ang paghawak nito sa Task Force Maguindanao  ang kanyang iniwan at hindi ang kanyang pagiging commissioner.

“No, I will not resign. My heart and soul are in the com­mission,” ani Sarmiento.

Ipinaliwanag din nito na hindi umano ginamit sa pandaraya ang mga blangkong Election Returns na dinala sa kanyang hotel noong gabi bago pa man magsagawa ng special election sa Lanao del Sur.

Binanggit pa rin ni Sarmiento na malinis umano ang mga nabanggit na ERs  at hindi ito nagamit sa katiwalian. (Grace dela Cruz)

Show comments