Tumaas ng P1.50 per kilogram o P16.50 ang halaga ng bawat 11 kilogram ng tangke ng liquified petroleum gas epektibo kagabi kasabay ng pagtaas ng halaga ng Autogas ng 90 sentimos kada litro.
Ayon kay LPG Marketers Association president Arnel Ty, ang pagtaas ng halaga ng naturang mga produkto ay epekto ng mataas na halaga ng petroleum products sa world market.
“Contract prices went up by $32 as of today, that is the equivalent of P1.50 per kilo,” pahayag ni Ty.
Gayunman, niliwanag ni Ty na ang naturang pagtaas ay maaaring panghuli na dahil inaasahan naman nila ang pagbaba ng halaga ng gasolina sa buwan ng Hulyo ng taong ito. (Angie dela Cruz)