^

Bansa

Hospital Detention Act

ROSES & THORNS  - Alejandro R. Roces -

Umapela si Lubao Mayor Dennis Pineda sa media na maging patas sa pag-uulat at sundin ang Code of Ethics of Journalism upang hindi mailigaw sa katotohanan ang kani­lang mambabasa.

Ayon kay Mayor Pine­da, tapos na ang eleksyon sa Pampanga subalit hanggang ngayon ay pa­tuloy na isinasangkot ang kanilang pamilya partikular ang kanyang amang si Rodolfo “Bong” Pineda sa nagaganap na kaguluhan sa lalawigan.

Mariing itinanggi ni Mayor Pineda, pangulo ng League of Mayors of Pam­panga, ang mga malisyo­song akusasyon na kuma­kalat sa text na ang kani­lang pamilya ay sangkot sa nagaganap na pagpatay sa ilang barangay officials sa lalawigan matapos matalo ang kanyang inang si KAMPI gubernatorial candidate Lilia Pineda sa nakaraang eleksyon.

Iginiit ng batang alkalde na walang kinalaman ang kanilang pamilya sa pag­kamatay ni barangay chairman Mario Nulud ng bgy. San Juan Bautista, Gua­gua kamakailan.Aniya, nag-iimbestiga na ang kapulisan hinggil sa pang­yayari at ang mga naunang pagpatay sa mga barangay officials sa Dau at Flo­ridablanca ay nilinaw naman ng pulisya na wa­lang kinalaman sa pulitika.

Nagpapasalamat na­man si Mayor Dennis sa lahat ng barangay officials, purok leaders at mama­mayan na sumuporta sa kanyang ina at kanilang pamilya lalo ngayong bi­nabato sila ng mga aku­sasyon.

CODE OF ETHICS OF JOURNALISM

LEAGUE OF MAYORS OF PAM

LILIA PINEDA

MARIO NULUD

MAYOR DENNIS

MAYOR PINE

MAYOR PINEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with