^

Bansa

Koreano todas sa  dalaga

-

Pumasok na ang panahon ng tag-ulan sa bansa. Ito ang kinumpirma ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.

Sinabi ni Ludy Alviar ng PAGASA na ang malakas na buhos ng ulan kamakalawa ng gabi na nagdulot ng matinding pagbaha sa Metro Manila ay hindi sanhi ng bagyo kundi ito ang senyales na pumasok na ang panahon ng tag-ulan.

Gayunman, sinabi ni Alviar na natural lamang ang mainit ang panahon sa umaga subalit pagdating ng bandang hapon ay dapat na may dalang payong o kapote ang publiko dahil bumabagsak na rito ang malakas na buhos ng ulan.

Ang pagbuhos ng ulan ay hindi lamang anya nararanasan sa Metro Manila kundi gayun din  sa Central Luzon, western side ng Visayas at Mindanao.

Ilan sa mga binahang lugar at nakaranas ng matinding pagsikip ng daloy ng trapiko  dahil sa malakas na pag ulan at baha kamakalawa ang mga pangunahing kalsada sa Maynila, Quezon  City at Mandaluyong. (Angie dela Cruz)

ALVIAR

ANGIE

CENTRAL LUZON

CRUZ

LUDY ALVIAR

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with