Binatilyo utas sa kalabang fraternity

Pinababawi ng Department of Justice (DOJ) sa Makati City-Regional Trial Court ang ibinigay na piyansa kay dating Ba­tangas Gov. Antonio Le­viste kaugnay sa pagpatay sa kanyang business partner na si Rafael delas Alas.

Sa 10-pahinang mos­yon na inihain ni Senior State Prosecutor Emma­nuel Velasco sa Makati-RTC branch 150, iginiit nitong brutal ang gina­wang pagpatay kay delas Alas kaya hindi dapat simpleng homicide la­mang ang maging kaso ni Leviste.

Nakapaloob pa rin sa mosyon ni Prosecutor Ve­ lasco na dapat la­mang kanselahin ang piyansa ni Leviste at ibalik ito sa kan­yang kulungan sa Makati City Jail.

Ikinatwiran pa ni Ve­lasco, maliwanag na pina­tay si delas Alas dahil sa tinamo nitong mga tama ng bala sa mukha, ulo at batok na patunay na pa­traydor siyang binaril. 

Aniya, maliwanag din na mayroong premeditation na isang elemento sa kasong murder ng imbi­tahan ng armadong si Leviste si delas Alas sa kanyang kwarto para mag­kape umano sila pero ang intension ay barilin ito. 

Ipinaliwanag pa ni Ve­ lasco, sa halip na dalhin sa ospital ang sugatang si delas Alas dahil sa tina­mong mga tama ng bala sa ulo at batok ay nauna pa itong nagpadala sa Makati Medical Center kaysa asikasuhin ang kanyang binaril na ka­ibigan. (Rudy Andal)

Show comments