Binatilyo utas sa kalabang fraternity
Pinababawi ng Department of Justice (DOJ) sa Makati City-Regional Trial Court ang ibinigay na piyansa kay dating Batangas Gov. Antonio Leviste kaugnay sa pagpatay sa kanyang business partner na si Rafael delas Alas.
Sa 10-pahinang mosyon na inihain ni Senior State Prosecutor Emmanuel Velasco sa Makati-RTC branch 150, iginiit nitong brutal ang ginawang pagpatay kay delas Alas kaya hindi dapat simpleng homicide lamang ang maging kaso ni Leviste.
Nakapaloob pa rin sa mosyon ni Prosecutor Ve lasco na dapat lamang kanselahin ang piyansa ni Leviste at ibalik ito sa kanyang kulungan sa Makati City Jail.
Ikinatwiran pa ni Velasco, maliwanag na pinatay si delas Alas dahil sa tinamo nitong mga tama ng bala sa mukha, ulo at batok na patunay na patraydor siyang binaril.
Aniya, maliwanag din na mayroong premeditation na isang elemento sa kasong murder ng imbitahan ng armadong si Leviste si delas Alas sa kanyang kwarto para magkape umano sila pero ang intension ay barilin ito.
Ipinaliwanag pa ni Ve lasco, sa halip na dalhin sa ospital ang sugatang si delas Alas dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at batok ay nauna pa itong nagpadala sa
- Latest
- Trending