Pansamantalang hu mina ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong nakalipas na 24 oras.
Sa pinaka latest monitoring ng Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), sinabi ni July Sabit, volcanologist, bahagyang kumalma ang bulkan subalit hindi ito nangangahulugan na hindi na mag-iingat ang mga residenteng nakatira sa paligid nito.
Ayon kay Sabit, patuloy na nagbabanta ng pagsabog ang Bulusan at ang kasalukuyang kundisyon nito ay normal lamang sa isang aktibong bulkan.
Wala rin anyang kinalaman ang paglamig ng klima ng panahon dulot ng mga pag-uulan dahil walang kaugnayan ang uri ng panahon sa kundisyon ng mga bulkan sa bansa.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala la mang ang Bulusan ng 28 volcanic quakes na higit na mas mababa kumpara noong nakaraang linggo na umabot sa 243.
Gayunman, patuloy na ipinaiiral ang pagbabawal sa pagpasok ng sinuman sa 4 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan dahil nananatili ito sa alert level 2, ang kundisyon ng bulkan na maaaring sumabog anumang oras mula ngayon. (Angie dela Cruz)