^

Bansa

Warat na sapatos ni Cinderella (ika-123 na labas)

- Ronnie M. Halos -

Inabswelto ng Court of Appeals ang pitong Chinese nationals na na­unang hinatulan ng ha­bambuhay na pagkaka­kulong ng Pasig City Regional Trial Court noong 2003 sa kasong drug pushing.

Sa 51-pahinang desis­yon ng CA, inatasan nito ang Bureau of Correction na palayain sina Cai Xihe alias Chua Sak Hap; Tian Sang; Cai Dushi alias Chua Tok Sit; Yan Qiz­hong alias Sing Hong; Lao Chi Diak alias Chi Jak; King Cheng; at  Lim Cha­mou alias Cha Bon.

Sinabi ng CA sa desis­yon nito na  nagkaroon ng paglabag sa section 2 at section 3 ng Article III ng Konstitusyon ang mga Anti-narcotics agents ng pulisya na sumalakay sa isang umano’y drug den sa San Juan, Metro Manila at umaresto sa mga akusado noong Enero 28, 2002.

Pinagbawalan ng mga awtoridad ang mga aku­sado na masaksihan nito ang ginawang imbentaryo sa sinasabing shabu laboratory ng mga ito na mali­wanag na paglabag sa batas kahit mayroong ba­rangay officials na naging testigo rito. (Rudy Andal)

BUREAU OF CORRECTION

CAI DUSHI

CAI XIHE

CHA BON

CHI JAK

CHUA SAK HAP

CHUA TOK SIT

COURT OF APPEALS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with