^

Bansa

EDITORYAL - Problema sa Sugbu sulbaron sa Manila

-

Hindi umano makata­ru­ngan na ma-stereotype ang Mindanao bilang lu­gar kung saan nagaganap ang election fraud.

Aminado si Presidential Political Adviser Gabriel Claudio na nagiging kaka­bit na ng Mindanao ang isyu ng dayaan tuwing eleksiyon kaya maituturing anyang oportunidad ang special elections upang mapatunayan na mali ang paratang na lugar ng da­yaan ang Mindanao.

Nasa kamay na aniya ng mga mamamayan at mga lider ang paglilinis sa kanilang probinsiya upang hindi ito matawag na lugar ng dayaan.

Pero naniniwala si Tourism Sec. Ace Durano, spokesman ng Team Unity na ginagamit na lamang na scape­goat ng mga talu­nang kandidato ang isyu ng dayaan tuwing eleksiyon.

Dapat aniyang tumu­long ang lahat upang ma­linis na ang electoral process ng bansa at mapro­tektahan ang boto ng mga mamamayan.

Hindi naman nanini­wala si Chief President Legal Adviser Sergio Apostol sa alegasyon ni Sen. Aquilino Pimentel Jr. na sangkot sa dagdag bawas sina Atty. Rey Sumalipao, regional director ng ARMM at Remlane Tambuang, Region 11 Comelec director.

Posible umanong inu­unahan lamang ni Pimentel ang napipintong pagkatalo ng anak nitong si Koko, senatorial candidate ng GO, sa Mindanao upang hindi sila mapahiya. (Malou Escudero)

ACE DURANO

AQUILINO PIMENTEL JR.

CHIEF PRESIDENT LEGAL ADVISER SERGIO APOSTOL

MALOU ESCUDERO

MINDANAO

PRESIDENTIAL POLITICAL ADVISER GABRIEL CLAUDIO

REMLANE TAMBUANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with