^

Bansa

Poll watchers sa Lanao nag-riot

- Edwin Balasa, Grace dela Cruz -

Sumiklab ang isang riot sa Kapai, Lanao del Sur habang isinasagawa rito ang special elections.

Sa report na nakalap, nagsuntukan at nagram­bulan ang mga poll watch­ er sa Kapai, isa sa 13 ba­yan sa Lanao del Sur na pinagdausan ng halalan kahapon.

Nakasaksi umano sa pangyayari ang reporter ng ANC Channel na si Ricky Carandang kasama nina Ambassador Tita de Villa ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting at Chairman Edward Go ng National Citizens Movement for Free Elections.

Sinasabi rin sa ulat na nasaksihan din ni de Villa kung paanong tatlong beses na nakaboto ang isang botante roon. May ilang tao na tinatangkang pabotohin ang isang bata pero pinatigil sila ng mga poll watcher.

Hindi rin pinapasok sa mga presinto ng botohan ang mga volunteer ng PPCRV at ng NAMFREL nang maganap ang mga karahasan at iregularidad.

Samantala, muling idi­neklara ng Comelec ang failure of election sa La­nao del Sur makaraang hin­di muling siputin ng mga miyembro ng Board of  Election Inspectors ang mga election precincts dito.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sar­ miento, nagkaroon uma­no ng hindi pagkakaintin­dihan sa pagitan ng mga tumatakbong kandidato bilang mga lokal na opis­yal dito kaugnay sa pag­kakahati-hati ng mga presintong paggagana­pan ng special election kaya idineklara na lamang ang failure of election dito.

Bunga nito’y isasa­gawa ang panibagong election sa bayan ng Butig, Lanao del Sur ngayong Linggo kung saan aabot umano ng 100 pulis ang magsisilbing BEIs.

Sinabi din ni Sar­miento na hinikayat uma­no ng ilang pulitiko ang mga botante sa nabanggit na bayan na huwag bu­moto kaya maging ang mga BEIs ay hindi na rin sumipot at di ginampanan ang kanilang tungkuliln.

Sa ngayon ay ipina­kalat ng PNP, AFP at Comelec ang may 6,000 militar at pulisya sa na­banggit na bayan upang tiyakin ang seguridad at kapayapaan dito.

Tila hindi naman nag­tagumpay ang Comelec at ang pulisya sa pagpa­patupad ng maayos at mapayapang election sa ilang lalawigang sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao at La­nao Del Sur makaraang iba’t-ibang karahasan ang naganap dito.

Ayon kay Sarmiento, dalawang di kilalang kalalakihan ang umano’y umatake kahapon ng umaga sa bahay ng isang assistant election officer sa  Marawi City. Aniya, pi­naulanan ng bala ang bahay ni Asst. Election Officer Hadji Fatima Ha­lima subalit wala naman umanong naitalang na­sawi o nasaktan sa insi­dente na naganap habang idinaraos ang special elections sa 13 bayan ng Lanao del Sur.

AMBASSADOR TITA

AUTONOMOUS REGION

COMELEC

ELECTION

LANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with