Pinababasura ng mga non-governmental organization sa Malakanyang ang pangangasiwa ng Philippine National Constructiom Corporation sa South Luzon Expressway.
Ayon sa mga residente ng Southern Tagalog Region na pinangungunahan ng Gising Kabataan Movement of Laguna, Young Professionals and Entreprenuers of San Pedro Laguna at ng Southern Luzon Bus Operators Association, dapat lamang hindi na ituloy ang kontrata ng PNCC sa SLEX dahil lumabag ito sa ilang alintuntunin ng pamahalaan.
Ayon kay Atty. Melvin Matibag, spokesman ng naturang mga grupo, ang PNCC ay nakipagkasundo sa isang Malaysian company na MTD capital at pinangasiwaan ng mga ito ang South Luzon Tolway Corporation nang wala man lamang naganap na anumang public bidding o proposal solicitation. (Angie dela Cruz)