^

Bansa

Manufacturer ng pekeng dolyar, arestado

-

Masaklap ang sina­pit na kamatayan ng isang Pinoy civil engineer mata­pos na ak­sidenteng ma­bangga ang minama­neho ni­tong kotse ng isang police car na huma­ha­bol sa isa pang sasak­yan sa Jeddah, Saudi Arabia noong Huwe­bes.

Sa report na tinang­gap kahapon ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Esteban Conejos, kinilala ang bik­tima na si Diosdado San­tiago, 50, na kaba­balik lamang sa Jed­dah mula sa pagbaba­kasyon nito sa Pili­pinas.

Sa imbestigasyon ng Arab Police, bina­bag­tas ni Santiago ang kaha­baan ng Al-Sala­mah District nang sal­pukin ng humaharurot na police car na noo’y may tinutu­gis na isang sasakyan.

Sa lakas ng pagka­kabangga ay nabali ang mga buto sa ka­nang hita ni Santiago at nawasak din ang kali­wang mukha nito.

Na­isugod pa siya sa ospital dakong 7:40 ng umaga noong Huwe­bes pero binawian rin ng buhay makalipas ang halos isang oras.

Kapwa wasak din ang sasakyan ng bik­tima at mobile car.

Ayon kay Conejos, si Santiago ay nagtra­tra­baho bilang engineer sa Al-Bihar Construction Co. na noon ay patungo na sa ka­nilang project site sa Muhamadiyak galing sa Malek Road nang maga­nap ang malagim na sakuna.

Kaugnay nito, ina­asikaso na ng DFA ang pagpapauwi sa bang­kay ng biktima sa bansa. 

Nabatid na 20 araw nag-emergency leave si Santiago at kaba­balik lamang sa Jed­dah nitong Linggo. (Joy Cantos)

AL-BIHAR CONSTRUCTION CO

ARAB POLICE

DIOSDADO SAN

HUWE

JOY CANTOS

MALEK ROAD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with