May 51 pribadong paaralang elementarya at 40 hayskul ang magtataas nang 20 porsiyento sa singil sa matrikula ngayong darating na school year 2007-2008.
Ayon kay Teresita Dimalanta, director ng Department of Education sa National Capital Region, susustentuhan ng pagtaas ng matrikula ang dagdag sa sahod ng mga guro at pagpapaayos ng mga pasilidad ng mga paaralan.
Nasa desisyon anya ng mga pribadong pa aralan ang pagtaas ng matrikula pero obligado ang mga ito na kumonsulta sa mga magulang.
Kabilang umano sa inaasahang magtataas ng matrikula ang Trinity University of Asia sa Quezon City (20%), La Salle Greenhills (7%), at Immaculate Conception Academy sa San Juan (5-8%).