^

Bansa

TODO NA ‘TO

- Mae Balbuena -

Lumikha ng sindak, grabeng pagsisikip ng daloy ng trapiko at tula­kan ng commuters ang pagka­katuklas sa itim na bag na inakalang naglala­man ng bomba sa pa­anan ng tulay na nag-uugnay sa LRT at MRT,  kahapon ng umaga sa Pasay City .

Mas lalong nag-una­hang magpanakbu­han ang mga commuters makara­ang magpasiya ang mga tauhan ng Spe­cial Wea­pons and Tactics at Explo­sive Ordnance Division (SWAT-EOD) ng Pasay police na huwag munang paraanin ang mga sasak­yang tumata­hak sa kaha­baan ng EDSA patungo sa kati­mugang bahagi at itina­boy din ang mga taong naglalakad sa bangketa upang maiwasan ang po­sibleng disgrasya sakaling bomba nga ang laman ng itim na bag.

Sa tinanggap na ulat ni Senior Supt. Marietto Va­lerio, hepe ng Pasay police, itinawag ng mga traffic enforcers sa SWAT ang pagkakatuk­las nila sa bag na itim na kaduda-dudang iniwanan sa natu­rang lugar sa EDSA Ro­tonda dakong alas-8 ng umaga.

May nakalawit uma­nong P100 piso sa zipper ng bag na sa unang hi­nala ng pulisya ay nagsi­silbing switch na kapag hinatak ay sasabog ang bomba sa loob nito.

Halos isang oras din ang inabot ng makapigil hiningang pagde-defuse ng inaakalang bomba na ginamitan ng mga tauhan ng EOD ng water charger upang maiwasan ang se­condary explosion kung sakaling positibo ito.

Nabatid na posibleng isang uri lamang ng pana­nakot o pambubulabog ang ginawa ng nag-iwan sa  bag matapos matuk­lasan na pawang maru­ruming damit lamang ang laman nito.

May hinala rin ang pulisya na isang palaboy ang may-ari ng bag at naiwan lamang ito sa na­turang lugar dahil pawang maruruming damit la­mang ang laman nito.  (Rose Tamayo-Tesoro)

BAG

MARIETTO VA

ORDNANCE DIVISION

PASAY

PASAY CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with