Alleged gunman gives himself up

Iprinoklama na kagabi si Muntinlupa congres­sional candidate Ruffy Biazon bilang nanalong kongresista sa lone dis­trict sa lungsod.

Nauna nang nag-con­cede ang kanyang kala­bang si Dong Puno mata­pos na lumamang nang husto si Biazon sa huling bilangan ng boto kaha­pon na naging daan upang ma­tapos na ang tensyon dito.

Sa panayam ng PSN kay Biazon, binawi na umano ni Puno ang lahat ng petisyon nito ngunit wala naman umanong prob­­lema sa kanilang panig kung sakaling may plano pang magsampa ng electoral protest ang huli.

Samantala, mistulang piyesta ang senaryo sa lungsod makaraang kap­wa magkasabay na nag­daos ng victory party si Biazon at  mayoralty winning can­didate Aldrin San Pedro.

Sa Taguig, iprinokla­ma na si re-elected Ta­guig City Mayor Freddie Tinga bilang nanalong alkalde sa lung­sod sa nagdaang elek­syon. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments