2 Pinoy na bugaw sinentensyahan sa Palau

Dalawang Pilipino ang nasentensyahang maku­ long sa Republic of Palau dahil sa pambubugaw nila sa pitong Pilipinang pinag­trabaho nila bilang prostitute sa naturang bansa.

Sinabi kahapon ni Philippine Ambassador to Palau Ramoncito Marino na, noong Mayo 8, dala­wang Pilipino at dalawang babaeng Intsik ang napa­tunayan ng Court of Palau na nagkasala sa kasong human trafficking.

 Ang mga Pilipino ay nahatulang makulong nang isa hanggang tat­long taon at pinagmulta ng $7,000 habang ang mga akusadong Taiwanese ay hinatulan ng 20 taong pagkabilanggo at pinag­multa ng $50,000 bukod sa pagpapabayad sa kanila ng $18,000 para sa kanilang mga biktima.

Pitong waitress na Pilipina na dating nama­ma­sukan sa isang res­tawran sa Palau ang nag­reklamo na pinuwersa sila ng kanilang mga employer na magtrabaho bilang prostitute. 

Napatunayan sa korte na alam ng isa sa mga aku­sa­dong Pilipino na gaga­wing prostitute ang mga biktima.

Ayon kay Marino, lima sa mga biktima ay naka­kuha na ngayon ng ma­ayos na trabaho sa Palau habang ang iba ay nagha­hanap pa ng trabaho. Lahat sila ay pinayagang mamalagi pa sa Palau.

Hindi naman binanggit ni Marino ang pangalan ng mga Pinoy na naha­tu­lang makulong sa Pa­lau. (Joy Cantos/Gemma Garcia)

Show comments