Palasyo pumalag sa payo ni Bro. Mike
Hindi kumporme ang Malacanang sa payo ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde kay Pangulong Gloria Arroyo na dapat nang talikuran ang pagpa pabago sa Konstitusyon o Charter Change dahil ito ang hinihingi ng taumbayan na tumangging bumoto sa karamihan ng mga kandidatong senador ng administrasyon.
Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na pinapasalamatan ng Palasyo ang intensiyon ni Velarde na pagbibigay ng payo sa Pangulo pero hindi ang nilalaman nito tulad ng pagtalikod sa pagpapabago sa Konstitusyon o Charter Change.
Idinagdag nito na hindi pa naman tapos ang bila ngan sa senatorial pero ipinakikita naman umano ng resulta ng congressional at local levels na pumapabor ito sa kasalukuyang political stability.
Sa panig naman nina Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina at Antique Rep. Exequiel, ang oposisyon ang dapat na himukin at pagpayuhan ni Bro. Mike na huwag pigilan ang pagsulong ng bansa.
Tahasang sinabi nina Baterina at Javier na bagama’t sinusuportahan nila ang pahayag ni Velarde na kailangang matapos ni Pangulong Arroyo ang kaniyang termino ay nakasalalay pa rin ito sa oposisyon na ang tanging layunin ay pabagsakin ang administrasyon at pwersahan itong patalsikin sa pwesto.
Nagbabala rin ang dalawang solon na kung mananalo ang mayorya ng mga kandidato ng Genuine Opposition (GO) ay kokontrolin nito ang Senado na siyang magtutulak upang mas lalong lumakas ang pag-atake sa Pangulo at admi nistrasyon.
- Latest
- Trending