ORIENTAL MINDORO – Tuluyan nang iprinoklama ng Provincial Board of Canvassers si Oriental Mindoro Governor Arman Panaligan matapos na muling nahalal sa nakalipas na eleksyon. Base sa resulta ng bilangan, lumilitaw na si Panaligan ay nakakuha ng 168, 127 na boto laban kay Dr. Marpho Marasigan na may 74,1000 na boto.
Ang malaking bilang ng boto (94,027) ni Panaligan maituturing na kauna-unahang sa kasaysayan kung saan ang nanalong gobernador ay nanguna sa 14 bayan at isang lungsod ng nabanggit na lalawigan. Kasabay na iprinoklama ang running mate ni Panaligan na si Vice Governor Estee Aceron na nakakuha ng 153, 506 na boto laban kay Dr. Tony delos Reyes na may 53,860 boto.