Biazon: Puno protest a ploy

Pinayuhan ng pamu­nuan ng Philippine Volcanology and Seismology ang mga resi­denteng nasa paligid ng bulkang Bulusan sa Sor­sogon na mag-ingat da­hil sa posib­ leng pagsa­bog ng bulkan anumang araw mula ngayon.

Sinabi ni July Sabit, volcanologist ng Phivolcs, na kailangang maging mapagmasid at mag-ingat ang mga residenteng nakatira sa paligid ng Bulkang Bulusan dahil patuloy ang iregularidad sa naitatalang aktibidad ng  bulkan.

Sa nakalipas na li­mang araw, patuloy pa ang pagtaas ng seismic at steaming activity ng bul­kan na isang indikas­yon na nagbabanta itong su­mabog.

Bunsod nito, ipina­iiral na ng Phivolcs ang 4 kilometer danger zone na ang ibig sabihin ay bawal ang pumasok ng sinuman sa may apat na kilometrong layo ng lugar sa bulkan dahil sa peligrong maa­aring idu­lot nito sa tao oras na pu­mutok. (Angie dela Cruz)

Show comments