weather forecast

Iimbestigahan ng Com­ mission on Election ang  umano’y pe­keng ha­lalan sa  Ma­guindanao  na rito, nanalo ang lahat ng 12 kandidatong sena­dor ng makaadministras­yong Team Unity.

Inatasan ni Comelec Chairman Benjamin Aba­los si Commissioner Rene Sarmiento  na pa­ngasi­waan ang nasa­bing im­bes­tigasyon.

Sinabi ni Abalos na kailangang magsa­gawa ng pagsisiyasat dahil isang mabigat na ale­gas­yon ito para mapa­hinto ang prokla­masyon ng mga na­nalong kan­didato sa lalawigan.

Sinabi naman ni Sar­miento na  isang guro dito ang magbi­bigay ng kan­yang statement kung paano ito tinutukan ng baril upang isulat sa balota ang mga pangalan ng mga kandidato ng TU.

Gayunman, sinabi ni Abalos na  hindi tiyak ng Comelec kung  bi­bila­ngin nito  ang  mga Certificates of Canvass ng Maguin­danao. (Grace dela Cruz)

Show comments