weather forecast
Iimbestigahan ng Com mission on Election ang umano’y pekeng halalan sa Maguindanao na rito, nanalo ang lahat ng 12 kandidatong senador ng makaadministrasyong Team Unity.
Inatasan ni Comelec Chairman Benjamin Abalos si Commissioner Rene Sarmiento na pangasiwaan ang nasabing imbestigasyon.
Sinabi ni Abalos na kailangang magsagawa ng pagsisiyasat dahil isang mabigat na alegasyon ito para mapahinto ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa lalawigan.
Sinabi naman ni Sarmiento na isang guro dito ang magbibigay ng kanyang statement kung paano ito tinutukan ng baril upang isulat sa balota ang mga pangalan ng mga kandidato ng TU.
Gayunman, sinabi ni Abalos na hindi tiyak ng Comelec kung bibilangin nito ang mga Certificates of Canvass ng Maguindanao. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending