Hataw pa rin si Espiritu
Sinabi kahapon ni Commission on Elections Chairman Benjamin Abalos Sr. na “clerical mistake” lang ang sinasabing pagkawala ng 100,000 boto ng mga kandidatong senador na sina Francis Escudero at Alan Peter Cayetano mula sa certificate of canvass ng Zambales.
Idiniin ni Abalos na walang intensyon ang Comelec na magsagawa ng dagdag-bawas dahil mismong ang mga komisyuner ng Comelec na umuupo bilang national board of canvasser ang unang nakapuna sa discrepancies ng mga boto noong Biyernes.
Idinagdag niya na ang taong nagba-”validate” ng statement of votes ang tumawag sa pansin ng taong nagbabasa ng certificate of canvass hinggil sa mga diperensyang iyon.
Sa COC mula sa Zambales, nakakuha si Cayetano ng 29,198 boto pero lumalabas sa SOV na 129,198 ang nakuha niya. Si Escudero naman ay nagkaroon ng 85,923 boto sa COC pero ang kanyang mga boto sa SOV ay 185,923.
Kaugnay nito, inutos ng NBC na ituwid ang mga nasa COC sa Zambales batay sa SOV na sumasaklaw sa boto nina Escudero at Cayetano.
- Latest
- Trending