Ate Vi panalo sa Batangas
Opisyal nang idineklara kahapon ng provincial board of canvasser ang pagkapanalo ng aktres at Lipa City Mayor Vilma Santos bilang bagong gobernador ng lalawigan.
Nakakuha si Vilma ng 475,740 na mas malaki kumpara sa 344,969 boto ng mahigpit niyang katunggaling si Armand Sanchez. Pumangatlo sa labanan sa pagka-gobernador si Nestor Senares sa botong 34,000.
Napaulat din na sa nabilang na certificate of canvass mula sa Tanauan kahapon ng hapon, nanalo sa bayang ito si Sanchez.
Gayunman, sinabi ng Board of Canvasser na lumalamang pa rin si Vilma nang 100,000 boto na sapat na para siya na ang ideklarang panalo.
Nasa Maynila si Vilma nang iproklama siya ng BOC pero sinabi ng kanyang mga tauhan na itatakda sa Lunes ang malaking proclamation rally sa Batangas.
- Latest
- Trending