PNP blangko pa rin sa ‘pagkidnap’ sa misis ni MJ
Pinayuhan ni reelectionist Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang kanyang kalabang si Dong Puno na tanggapin ang desisyon ng mga botante at huwag nang magpakalat ng maling balita ukol sa kinalabasan ng eleksyon.
Ayon sa final Namfrel tally sa Muntinlupa, si Biazon ang nagwagi bilang congressman na may lamang na 8,227 boto laban kay Puno. Ang Namfrel tally ay tugma sa quick count na isinagawa ng Liberal Party batay sa kopya ng election return na ibinigay sa dominant minority party ayon sa batas.
“Ako ang pinili ng mga botante at ito ay kailangan irespeto natin,” wika ni Biazon.
Pinasinungalingan ni Biazon ang mga ulat na si Puno umano ang nanalo sa Muntinlupa. Nangangamba si Biazon na ito ay bahagi ng disinformation campaign upang manipulahin ang resulta ng eleksiyon upang palabasin na si Puno ang nanalo.
Pinayuhan ni Biazon si Puno na tanggapin ang kanyang pagkatalo at tanggapin ang desisyon ng mga taga-Muntinlupa na ihalal muli siya sa Kongreso ng ikatlong termino.
- Latest
- Trending