^

Bansa

Binatilyo patay sa kalabang grupo

-

Hiniling kahapon ni Kilusang Bagong Lipunan senatorial candidate Joselito Pepito “Peter” Cayetano sa Korte Suprema na ibasura ang naunang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagdi-disqualify sa kanya bilang kandidato sa May 14 senatorial race.

Sa 14-pahinang petition for certiorari ni Joselito, sa halip na katigan ang disqualification laban sa kanya na iniharap ni GO senatorial bet Alan Cayetano ay hiniling nito sa SC na ideklara siyang kandidato at bilangin ang kanyang mga boto.

Sinabi ni Joselito na umabuso ang Comelec sa kanilang tungkulin ng ideklara siyang nuisance candidate batay sa petisyon ni Rep. Cayetano. Anya, kung siya ay madi-disqualify, mababalewala rin ang 34,155 tao na bumoto na sa kanya batay sa bilang na ginawa ng Namfrel.

Binatikos din ni Joselito ang Comelec ng balewalain ang iniharap niyang mga ebidensiya na nagpapatunay na mayroon siyang kakayahang mangampanya at mali­wanag ang intensiyon niyang maglingkod bilang senador ng bansa.

Ayon naman sa abogado ni Joselito na si John Joshua Atienza, maghahain ng impeachment complaints  ang kanyang kliyente laban sa mga Comelec commissioners kung hindi mabibilang ang kanyang mga boto. (Rudy Andal)

ALAN CAYETANO

CAYETANO

COMELEC

JOHN JOSHUA ATIENZA

JOSELITO

JOSELITO PEPITO

KILUSANG BAGONG LIPUNAN

KORTE SUPREMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with