^

Bansa

GO umangal: Media quick count pinatigil ng Comelec

-

Ipinahinto na kahapon ng Commission on Elections ang lahat ng quick count na isinasagawa ng mga television at radio stations dahil na rin sa pagsisimula ng official canvassing ng National Board of Canvassers sa mga boto para sa mga kandi­datong senador.

Ayon kay Comelec Chairman Benjamin Abalos, hindi na nila pina­ payagan ang unofficial count ng mga television at radio stations kahit pa man ilagay nito ang source o ba­sehan ng kani­lang bilang.

Tanging ang National Movement for Free Election na lamang ang awto­risado na magsagawa ng quick count na isinasa­gawa sa La Salle Green­hills sa San Juan, Metro Manila.

Sinabi pa rin ni Abalos na napadalhan na ng ka­nilang law department ng sulat ang mga media stations at umaasa itong tatalima sa kautusan at sakaling hindi  umano sumunod ay naka­takdang kasuhan ng contempt of court.

Gayunpaman, inihayag ng ABS-CBN na hindi pa man nila natatanggap ang sulat ng Comelec law department ay kanila nang itinigil ang kanilang quick count nang mag-convene ang National Board of Canvassers.

Tiniyak naman ni Aba­los na kanilang tatapusin sa loob ng 10 araw ang canvassing para sa senatorial elections. 

Inangalan naman ng Genuine Opposition ang pagpapatigil ng adminis­trasyon sa isinasagawang unofficial media quick count sa resulta ng gina­nap na eleksyon sa bansa.

Hinamon ni GO Spokes­man Atty. Adel Tamano ang administras­yon na kung talagang mali­nis ang eleksyon at  wa­lang pinaplanong panda­raya ang Team Unity ay hayaang magpatuloy ang tabulasyon sa media quick count partikular na sa sena­torial race.

Para anya maiwasan ang mga dayaan gaya ng Dagdag Bawas operation ay mahalaga ang pagba­bantay ng media sa kaga­napan ng pagbibilang ng mga balota.

Kaugnay nito, sinabi ni Tamano na ang resulta ng senatorial race kung saan mayorya sa mga kandidato ng GO ang umaariba ang panalo ay patunay lamang na marami na sa taum­bayan ang dismayado sa gobyerno.  (Grace Dela Cruz at Joy Cantos)

ADEL TAMANO

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

DAGDAG BAWAS

NATIONAL BOARD OF CANVASSERS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with