Pinapurihan ni Defensor ang mga seamen na hinahangaan sa buong mundo kung kaya’t makakatagpo ka ng Pilipino sa halos lahat ng barkong naglalayag sa karagatan.
Sa covenant ni Defensor at ng Seaman’s Party, Inc. (SPI) na may 70,000 miyembro, nakasaad dito ang pagkakaloob sa mga seafarers ng edukasyon, pagsasanay, impormasyon, programang pangkabuhayan, serbisyong legal, at iba’t ibang produktibong aktibidad para sa mga ito at kapamilya. (Malou Escudero)