Nauna ng iniulat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang inaasahan nitong 26% umento sa VAT collection ngayong taon dahil sa pagdami ng mga rehistradong negosyo at mas mahigpit na auditing.
Ayon kay Obina, angmalaking bahagi ng inaasahang VAT collection na P177.7 bilyon ngayong taon ay dapat mapunta sa edukasyon. Sa datos ng Department of Education, kapos ng 45,775 silid-aralan sa bansa base sa ratio na 45 estudyante bawat classroom.